The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
  • User avatar
 #196  by PhilDiscuss
 
P2P - P2MP - Point to Point and Point to Multipoint
Yung WISP po ang ibig sabihin ay Wireless Internet Service Provider.

Kung may internet ka po sa bahay at hindi mo rin naman ganun nagagamit (browsing mo lang) pwede mo po ibenta/share o pagkakitaan yan sa mga kapitbahay o kahit sa mas malayong mga bahay hanggang ilang kilometro ang layo at maging isang WISP Provider ka (WISPER not Whisper, ok?). WiFi yung connection mo, may mga antenna o reciever lang sila.

Mga kailangan mo ay pera syempre :-D , tower yung mataas, networking knowledge, device like Ubiquiti LAP120(ilalagay sa tower), Mikrotik Router, Outdoor UTP, internet connection na mabilis kahit mga 100mbps, UBIQUITI LiteBeam M5 (WiFi reciever ng mga Client mo).

Ubiquiti LAP120 or better Ubiquiti LiteAP AC 2×2 MIMO 5 GHz AirMAX ac Sector AP Access Point(LAP-120) plus Ubiquiti LiteAP GPS (LAP-GPS)

Image

Ubiquiti LiteBeam M5 or better Ubiquiti LiteBeam 5AC GEN2 (LBE 5AC 23-GEN2)
Image

And Mikrotik Router Mikrotik RB4011 10-Port Gigabit SFP+ 10Gbps Quad-core 1.4Ghz CPU, 1GB RAM Management Rackmount Router - RB4011iGS+RM

Image

Tower, 3 inches ang kapal yung base ng tubo, 2 pcs then 2 inches na size na tubo po ang next 4pcs na po. Pwede din nyo po baguhin yan, basta mas mataba dapat yung size ng tubo yung base nyo. Ang size po ng isang tubo ay 6meters, puputulin nyo ng dalawa yun para mas madali ikabit at hindi mabigat at tataas. Bago nyo po ikabit kailangan nakawelding po yung mga dulo, bili po kayo ng flange or kung wala po welding nalang po ng metal plate.

Image
 #480  by PhilDiscuss
 
Sa budget po, pinakamaliit 50k pwedena po yan.

Saka bago po magstart ng business na yan, magcanbas na po muna kayo ng mga client nyo, para sakin kung gagawa kayo ng fliers tapos ibibigay nyo nalang yung sa mga target client nyo.