The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
 #285  by 4KInx
 
Ang mapupulang prutas at gulay ay kadalasang mabuti sa puso, utak at prostate gland. Ang mga pagkaing ito ay mayaman sa lycopene, ellagic acid, quercetin, at hesperidin. Ang mga nabanggit ay maaaring magpababa ng cholesterol, blood pressure at tsansang magkaroon ng kanser, tulad ng prostate cancer.

Heto ang ilang ehemplo:
  1. Pulang Mansanas – Ang mansanas ay mataas sa quercetin. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong kumakain ng “one apple a day” ay mas nakaiiwas sa kanser sa baga at sa Alzheimer’s disease. Ang balat ng mansanas ay may pectin, na nagpapababa din ng lebel ng bad cholesterol (LDL cholesterol) kaya maganda ito sa ating puso.

  2. Strawberries – Ang strawberries ay may taglay na ellagic acid at polyphenols, na nagpro-protekta laban sa kanser. Mataas ang strawberries sa anti-oxidants, vitamin B at C, at potassium na kailangan sa normal na pagtibok ng puso.

  3. Kamatis, tomato sauce at ketsap – Ang kamatis ay mayaman sa anti-oxidants tulad ng lycopene at beta-carotene. Ang lycopene ay isa sa pinakamalakas na anti-oxidant. Maraming pagsusuri ang nagpapatunay na ang pagkain ng kamatis, tomato sauce at ketsap ay nagpapababa ng tsansang magkaroon ng sakit sa puso, prostate cancer, at kanser sa bituka. Para lumabas ang lycopene sa kamatis, lutuin ito ng may konting mantika. Ayon sa mga eksperto, kailangan nating kumain ng 10 kutsara o 150 cc ng tomato sauce bawat linggo.

  4. Pulang Pakwan – Ayon sa U.S. Department of Agriculture, ang pakwan ay may benepisyo sa puso at ugat (blood vessels). Napatunayang pinapataas ng pakwan ang lebel ng arginine sa katawan. Ang arginine ay na-co-convert sa nitric oxide, isang kemikal na nagpapa-relaks at nagpapabuka ng ating ugat. Dahil dito, makatutulong ito sa pag-iwas sa stroke at heart attack. Ang pulang pakwan ay may taglay na lycopene na nagpapabagal sa ating pag-edad.

Konting kaalaman:
Ang dilaw na pakwan ay may lutein na mabuti naman sa ating mata.

Kaya kung gusto ninyong maging malusog ang inyong puso, utak at prostate, kumain ng mapupulang prutas at gulay.