The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
 #205  by ouou
 
Ang dry eyes o panunuyo ng mga mata ay karaniwang sakit lalo na sa nagkakaedad.

Karaniwang Sintomas ng Dry Eyes:
  1. Masakit at mahapdi sa pakiramdam, parang may puwing lagi.
  2. Pagkakaroon ng iritasyon sa usok at hangin.
  3. Pagkapagod ng mga mata, pagkatapos magbasa.
  4. Pagiging sensitibo sa ilaw.
  5. Pagluluha
  6. Malabong paningin lalo na kung gabi.
Payo para mabawasan ang panunuyo ng mga mata:
  1. Subukan bumili ng mga over-the-counter na artificial tears pang-dry eyes. Huwag gumamit ng mga eye drops na pang-alis ng pamumula (mapapalala nito ang sintomas).
  2. Iwasan ma-expose ang mga mata sa nakatutok na hangin tulad ng electric fan, air condition o heater. Huwag i-direkta sa mata ang hair dryers.
  3. Ang sadyang pagkurap-kurap ng mga mata ay nakatutulong para kumalat ang mga luha sa palibot ng mata.
  4. Iwasan kusutin ang mga mata.
  5. Magsuot ng mga sunglasses sa tuwing mahangin sa labasan. Kung may plano mag-swimming, gumamit ng goggles.
  6. Huwag manigarilyo at iwasan makalanghap ng amoy ng sigarilyo. Iwasan ang iba’t-ibang uri ng usok, tulad ng polusyon, pag-ihaw at pag-siga.
Kumonsulta sa iyong doktor kung patuloy ang paglala ng kondisyon ng mga mata. Ang iyong doktor sa mata (ophthalmologist) ay maaaring mag-reseta ng iba pang gamot.
Credit to:

Doc Willie Ong