The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
 #173  by oHmambah
 
Ang gastritis o ulcer ay isang sakit kung saan nagagasgas ang laman o lining ng sikmura dahil sa sobrang acidic o dahil laging nalilipasan ng pagkain.

Ang mga payo ko ay:
  1. Umiwas sa maasim at maanghang na pagkain,
  2. Kumain ng pakonti-konti pero madalas sa isang araw,
  3. Kumain ng saging at tinapay, at
  4. Lumagok ng kaunting tubig bawat 20 minuto para mahugasan ang acid sa tiyan.
Heto pa ang mga dagdag na payo sa ulcer:

1. Umiwas sa alak at sigarilyo.
Ang alcohol ay nakabubutas ng tiyan lalo na kung iinom nang walang laman ang tiyan. Ang sigarilyo naman ay nakasisira din ng baga at tiyan.

2. Limitahan ang paginom ng pain relievers.
Ang mga gamot sa kirot tulad ng Mefenamic acid ay dapat inumin lamang pagkatapos kumain. At huwag ninyo ito araw-arawin dahil masama din ito sa katagalan.

3. Ang Aspirin ay maaari din magdulot ng ulcer.
Inumin ang aspirin pagkatapos kumain. Kapag sinisikmura pa rin, ihinto ang aspirin at magpa-check sa doktor.

4. Tantsahin ang pag-inom ng gatas.
Ayon sa mga espesyalista, ang gatas ay puwedeng magpadami ng acid sa sikmura. Ang iba naman ay nagtatae sa gatas. Mas maigi pa ang yoghurt.

5. Magluwag ng sinturon.
Ang masikip na pantalon at sinturon ay maaaring magpataas ng pressure sa tiyan. Dahil dito, mahihirapan bumaba ang kinain natin.

6. Pagkakain ay huwag agad umupo o humiga. Maglalakad muna para matunawan.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor? Kapag may dugo ang dumi o matindi talaga ang sakit ng tiyan. At kung may hinala tayong may ibang sakit ang pasyente tulad ng sakit sa puso, appendicitis at sakit sa apdo, pumunta sa doktor.

Sundin ang mga payong ito. Obserbahan natin. Kapag hindi nawala ang sakit ng tiyan, magpatingin nsa doktor. May mga gamot na binibigay ang doktor na makatutulong din sa ulcer.
Credit to:

Doc Willie Ong