The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
 #406  by Beshee
 
May natural na panglunas sa gastritis o ulcer kung saan nagagasgas ang sikmura dahil sa sobrang acidic o dahil nalilipasan ng pagkain.

Ang mga payo ko ay (1) umiwas sa maasim at maanghang na pagkain, (2) kumain ng pakonti-konti pero madalas sa isang araw, (3) kumain ng saging at tinapay, at (4) uminom ng kaunting tubig bawat 20 minuto.

Heto pa ang mga dagdag payo sa ulcer:

1. Umiwas sa alak at sigarilyo.
Ang alcohol ay nakabubutas ng tiyan lalo na kung iinom ka nang walang laman ang tiyan. Ang sigarilyo naman ay nakasisira ng baga at tiyan.

2. Limitahan ang pag-inom ng pain relievers.
Ang mga gamot sa kirot tulad ng Mefenamic acid ay dapat inumin lamang pagkatapos kumain. Huwag ito araw-arawin dahil masama ito sa katagalan.

3. Ang Aspirin ay maaari din magdulot ng ulcer.
Inumin ang aspirin pagkatapos kumain. Kapag humapdi ang tiyan, bawasan ang dosis ng Aspirin sa 30 mg lamang. Kapag sinisikmura pa rin, ihinto ang aspirin at magpasuri sa doktor.

4. Bawasan ang pag-inom ng gatas.
Ayon sa mga espesyalista, ang gatas ay puwedeng magpadami ng acid sa sikmura. Ang iba naman ay nagtatae sa gatas. Mas maigi pa ang yogurt.

5. Magluwag ng sinturon.
Ang masikip na pantalon ay maaaring magpataas ng pressure sa tiyan. Dahil dito, mahihirapan bumaba ang kinain natin. Isa pa, pagkatapos kumain ay huwag agad umupo o humiga. Maglakad muna para matunawan.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor? Kapag may dugo ang dumi, matindi ang sakit ng tiyan, at kung may hinala ng ibang sakit tulad ng sakit sa puso, appendicitis at sakit sa apdo, pumunta na sa doktor.
Sundin ang mga payong ito at obserbahan natin. Kapag hindi nawala ang sakit ng tiyan, magpatingin na sa doktor.