The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
 #401  by Baynte
 
  1. UTI – Ang UTI o urinary tract infection ay ang pagdami ng bacteria sa kidneys o pantog.
    Ang sintomas ay masakit at madalas na pag-ihi, malabo at maamoy na ihi. Kung malala ang UTI puwede magka-lagnat at sumakit ang likod.
    Magpa-Urinalysis. Ang gamot sa UTI ay antibiotics.
  2. Cystitis – Impeksyon sa pantog tulad ng UTI.
    Ang sintomas ay masakit sa puson o sa may pwerta o ari. Masakit at madalas ang pag-ihi pero konti-konti lang ang labas ng ihi.
  3. Kidney Stones o bato sa bato – Ang kidney stones ay kadalasan gawa sa calcium o uric acid. Sobra sakit sa may singit. Parang madudumi ang sakit pero hindi naman dudumi. Mahapdi din sa pag-ihi. Minsan, kulay pink ang ihi dahil may dugo na sa ihi.
    Kumonsulta sa Urologist. Uminom ng 10-12 basong tubig bawat araw.
  4. Yeast infection sa pwerta o vaginitis -
    May discharge sa pwerta na maamoy. Makati ang pwerta at may iritasyon sa balat. Pwede din sumakit sa pag-ihi.
    Ang gamutan ay vaginal suppository na reseta ng OB-Gyne.
  5. Aktibidad tulad ng bisikleta, na-trauma at bagong panganak.
  6. Impeksyon sa prostate o prostatitis sa lalaki -
    Ang STD ay isang dahilan ng prostatitis. Ang impeksyon ay galing sa bacteria.
    Ang sintomas ay masakit at hirap umihi, makirot sa pantog at ari, at madalas na pag-ihi lalo na sa gabi. Pwede din mahirapan mag-ejaculate o malabasan ang lalaki.
    Ang gamutan ay antibiotics na reseta ng Urologist.
  7. Ovarian cyst -
    Ang sintoma ay sobrang sakit ng puson lalo na pag may regla. May abnormal na pagdurugo din. Kumonsulta sa OB-Gyne.
  8. Kung may allergy sa sabon, wipes, lotion at pang-hugas -
    Masakit sa balat sa may pwerta na may kasamang pamumula. Makati, may iritasyon sa maselang bahagi.
    Gumamit ng mild soap lamang.
  9. Kanser sa pantog -
    Ang sintomas ay pamamayat, masakit ang likod at buto, manas at madalas at hirap umihi. Minsan may dugo sa ihi.
  10. Ang mga sanggol ay umiiyak din kapag mahapdi ang pag-ihi nila.
Tips:
  1. Magpa-urinalysis. Mura lang ito.
  2. Tingnan ang kulay ng ihi. Dapat malinaw at light yellow ito.
  3. Maligo palagi at maging malinis sa katawan.
  4. Iwas sa pagkakaroon ng maraming partners at STD.
  5. Uminom ng 8-12 basong tubig bawat araw.
  6. Mag-ehersisyo ng regular.
  7. Huwag magmadali sa pag-ihi. Relax lang ang posisyon.
  8. Umihi muna bago matulog.
  9. Sa mga bata, paalalahanan sila na pumunta sa banyo at umihi.