The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
 #286  by 4KInx
 
Maraming Pilipino ang naghihirap. Pero tandaan natin na kahit kulang sa budget ay puwede pa rin kumain ng masustansya. Subukan ang mga pagkaing ito para sa iyo at sa iyong pamilya:
  1. Ma-berdeng gulay tulad ng repolyo, pechay, kangkong, malunggay, talbos ng kamote, at ampalaya – Ang gulay ay sagana sa bitamina, minerals at plant chemicals. May fiber, potassium, folate at iron pa. Ang gulay ay makatutulong sa pag-iwas sa sakit sa puso, mataas ang cholesterol, diabetes, sakit sa tiyan, at kanser.

  2. Monggo, tokwa at tofu – Ito ay kasama sa beans family. Mataas ito sa protina at may taglay na iron, folic acid at minerals. Mababa din sa taba at asin. Mainam ito sa puso at pampababa din ng cholesterol.

  3. Isda tulad ng sardinas, tilapia, galunggong at dilis - May Omega-3 ang isda na tumutulong sa pag-iwas sa atake sa puso, istrok, at nagpapababa din ng kolesterol. Mas masustansya ang isda kaysa sa karneng baboy o baka.

  4. Kamatis, tomato sauce at ketsup - Ang mga pagkaing ito ay mataas sa lycopene na isang anti-oxidant. Naka-aalis ito ng dumi sa ating selula. Makatutulong ito sa sakit sa puso at pag-iwas sa prostate cancer.

  5. Karots (Carrots) – May pagsusuri na nagsasabi na ang carrots ay panlaban sa kanser sa suso at mabuti rin sa mata. Ito ay may Vitamin A, C at E. Ang kalahating tasa ng carrots ay may 35 calories lamang at hindi nakatataba. Subukang ihalo ang carrots sa ensalada at sabaw.

  6. Kamote –May taglay na Vitamin A, B6, C at E ang kamote. Ayon sa pagsusuri, makatutulong ito sa pag-iwas sa kanser sa baga lalo na sa mga naninigarilyo. Masarap ang nilagang kamote at kamote-cue.

  7. Gatas at keso – Ang mga produkto ng gatas tulad ng keso at ice cream ay kumpleto sa sustansya. Ito’y dahil ang gatas ay may protina, carbohydrates at taba din. May calcium at vitamin B pa ang gatas para sa kababaihan at kabataan. Sa mga gustong magpapayat, piliin ang low-fat milk.

  8. Saging – Ang saging ay puwede gawing lunas laban sa ulcer at pangangasim ng sikmura. Ito’y dahil tinatapalan ng saging ang mga sugat sa tiyan. Ang saging ay may tulong sa mga nanghihina at may cramps dahil mataas ito sa potassium at vitamin B6. Kung lagi kayong pawisin o gusto niyong lumakas, mag-saging ka.

  9. Nilagang mani – Ang mani ay may taglay na protina, minerals at good fats. Dahil dito, ang mani ay maganda sa puso, utak at nakapagpapababa ng cholesterol. Ito’y posibleng pampatalino din.

  10. Maaasim na prutas tulad ng dalandan, calamansi at suha – Masustansya ang mga prutas na ito dahil sa dami ng Vitamin C. Ang Vitamin C ay isang anti-oxidant na nagpapalakas ng katawan at panlaban sa mga sakit tulad ng sipon, hika, at arthritis.