The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
 #402  by Baynte
 
Ang maitim na labi ay dahil sa ultraviolet rays ng araw, sigarilyo, pag-inom ng mga may kulay na inumin tulad ng kape, tsaa, o kaya naman ay lahi.

Tips para pumuti, mag-pink o pumula ang labi:
  1. Asukal at butter scrub - Ang asukal ay exfoliant, para tanggalin ang dead cells sa ibabaw ng labi. Ang butter naman ay para mag-oil sa lips. Gumawa ng asukal at butter paste: Paghaluin ang isa at kalahating kutsarita ng asukal at isang kutsarita ng butter. I-scrub sa labi tapos ay banlawan at lagyan ng lip balm. Kapag walang butter pwede ipalit ang langis ng niyog. Gawin 2-3 beses kada linggo.
  2. Ang kalamansi o lemon ay mayroon itong natural na bleaching o pampaputi ng labi at dark spots. Pigain at i-masahe ang juice sa labi bago matulog. Lagyan ng tubig para hindi masyado matapang.
  3. Pwede din lagyan ng honey ang labi tuwing gabi, patuyuin at hayaan lang ito magdamag.
  4. Pwede din lemon, asukal at langis ng niyog scrub.
Sana ang mga scrubs at tips na ito ay makatanggal ng maiitim na patse, makapagpapalambot at magbigay ng pink o pulang kulay sa inyong labi.