The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
 #415  by Mang Keps
 
Ang mga nagkaka-tigyawat, whiteheads at blackheads ay teenagers, umiinom ng oral contraceptive pills, buntis o bago mag-menopause at may lahi ng maraming pimples.

Maaaring maka-iwas sa pimples sa sumusunod:
  1. Palitan ang oil-based make-up ng water based or oil free make-up.
  2. Maghilamos maigi sa gabi gamit ang mild soap at tubig at bago maglagay ng gamot sa pimples.
  3. Sa paglalagay ng mga gamot sa tigyawat tulad ng benzoyl peroxide, ilagay sa mismong tigyawat at sa paligid nito lamang at huwag ikalat. Simula sa mababang strength ay unti-unting itaas ang strength kapag hindi mapuksa.
  4. Kapag meron mga gamot para sa pimples, iwasan ang magpa-araw.
  5. Subukan ihilamos sa umaga at sa gabi ang malamig na chamomile tea para ma-improve ang pores ng kutis.
  6. Ang paglagay ng make-up sa pimples ay gawing foundation muna tapos powder tapos foundation ulit.