The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
 #409  by Mang Keps
 
Oo, puwede mag-sex kahit may regla. Safe na safe ang babae at siguradong hindi siya magbubuntis. Kaya lang, medyo makalat at madumi lang. Maghugas maigi pagkatapos mag-sex at pilitin din umihi bago matulog. Ito ay para hindi magkaroon ng impeksyon sa ihi o UTI.

Kailan ba ligtas makipagtalik para hindi mabuntis ang babae?
Ayon kay Dr. Angela Du, isang tanyag na obstetrician-gynecologist, ligtas ang babae makipag-sex 7 araw mula sa unang araw niyang pagreregla. Ligtas din siya sa loob ng 7 araw bago dumating ang susunod na regla. Kung 28 araw ang haba ng period ng babae, may 14 na araw kang safe at 14 na araw na hindi safe.

Ang komputasyon na ito ay mula sa pagsusuri na nabubuhay ang egg cell ng babae sa loob ng 24 oras. Ang semilya ng lalake naman ay nabubuhay ng 3 araw mula ng mailabas ito.
Paano naman iyung 14 na araw na hindi ligtas ang babae? Puwede po kayong gumamit ng condom o umiwas muna sa sex.

Safe ba ang withdrawal method sa lalaki?
Ang withdrawal method ay isang paraan ng birth control kung saan tinatanggal ng lalaki ang kanyang ari bago makalabas ang kanyang semilya. Mahirap po itong gawin at hindi ito tumpak na paraan ng birth control. Ito’y dahil kahit hindi pa nag-orgasm ang lalake, may konting semilya na ang lumalabas.
Isa pa, hindi rin makasisiguro ang lalake na kaya niyang hugutin ang kanyang ari bago siya mag-orgasm. Baka mahuli siya ng isang segundo, at tuloy magbuntis ang babae.

Puwede bang manigarilyo habang umiinom ng pills?
Hindi puwede! Masama ang paninigarilyo lalo na kung umiinom ka ng birth control pills. Kahit 4 na stick lang ang hinihithit mo bawat araw, puwede ka nang magkaroon ng komplikasyon. Ito’y dahil nagpapatong ang side effect ng pills at ng paninigarilyo. Puwedeng lumapot ang iyong dugo at magdulot ng atake sa puso at istrok. Itigil na ang paninigarilyo!