The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
 #416  by Mang Keps
 
Mga dahilan ng paglaki ng suso:
  1. Ang mga lalaki habang nagbibinata ay nagkakaroon ng maliit na mga bukol sa may nipple o utong, dapat pansamantala lang ito dahil sa hormone na estrogen.
  2. Minsan sa andropause o edad 70’s ng mga lalaki ay pwede ding lumaki ang breast dahil sa pagbaba ng testosterone.
  3. Sa mga babae na naka-Hormone Replacement Therapy (HRT) o naka-Oral Contraceptive Pills ay pwede lumaki ang suso.
  4. Kapag overweight o mataba ang babae o lalaki ay lumalaki ang suso.
Mga sintomas na nakikita sa suso:
  1. Ang mga ina na nagpapasuso ay nagkakaroon ng pagbitak sa utong o nipple na pwedeng lagyan ng oil o lotion para maiwasan ang pagsusugat.
  2. Ang pagkati ng nipple ay dahil sa iritasyon mula sa damit o tela, o fungal infection.
  3. Nagkakaroon din ng discharge o lumalabas sa utong ng bagong panganak na sanggol sa loob ng ilang araw. Ang tawag dito ay witch milk.
  4. Sa nagpapa-suso, importante ang unang gatas o colostrum na maibigay sa sangol. Dapat kumain ang ina ng masustansyang pagkain at uminom ng sapat na tubig. Pwede magpasuso ang may inverted nipple, sabihin sa OB Gyn ninyo dahil mayroong paraan.
  5. Kapag may discharge sa utong pero hindi naman buntis o nagpasuso, magpasuri sa doktor dahil may mga sakit sa thyroid na ganito ang makikita.
  6. Kung may lalabas na kulay brown o dugo sa suso ay magpatingin dahil baka kanser ito.
  7. Sumasakit ang suso kapag nabunggo, may regla, buntis, menopause, kapag may mastitis o impeksyon, o kanser.
  8. Mag self-breast examination kasi kadalasan ang mister pa ang nakakapansin. Ang mga test sa suso ay mammogram at breast ultrasound. Hindi naman po masakit magpa-test.
  9. Lahat ng bukol sa suso ay dapat ipa-check sa surgeon kasi dapat malaman kung kanser o impeksyon tulad ng mastitis.