The Philippine Discussions Community Website 

  • Solusyon Sa Hangover: Iwas Alak - Payo Ni Doc Willie Ong

Announcement: Stay H-O-M-E and Stay S-A-F-E
Topic Reactions
See all Contributors
  • User avatar
 #440  by Kuya Taba
 3 weeks ago (Wed Mar 11, 2020)
Mahilig ka ba uminom ng alak? At kung napadami ang inom, siguradong may hangover ka pag-gising mo.

Heto ang mga paraan para makaiwas sa hangover?
  1. Iwaksi ang alak – Wala itong mabuting maibibigay sa kalusugan. Puro lang problema at sakit. Sa bawat lagok ng alak, puwedeng mamatay ang inyong mga selula sa utak at atay. Puwedeng magka-kanser sa atay, bibig, tiyan.
  2. Konti lang ang inumin – Kung beer ang hilig ay limitahan sa 2 baso lamang. Kung hard drinks ay 1-2 shots lang. Kung red wine ay isang maliit na baso lang.
  3. Dahan-dahan ang pag-inom – Kung mas mabagal ang pag-inom, mas hindi ka malalasing. Kapag bibilisan mo ang inom, pupunta lahat ng alak sa iyong utak at malalasing ka agad.
  4. Magpakabusog muna – Kung may pagkain ang iyong tiyan, mas mabagal ang pagpasok ng alak sa iyong katawan.
  5. Huwag paghalu-haluin ang alak – Huwag ihalo ang beer at whisky. Huwag isunod ang wine at cognac. Mas matindi ang tama kapag pinagsama ang mga ito.
  6. Basahin ang dami ng alcohol – Ang beer ay 5% alcohol, ang wine ay 12.5% alcohol, ang hard drinks ay 60% alcohol. Kapag mas mataas ang porsyento ng alcohol, mas matindi ang tama nito. Uminom na lang ng non-alcoholic drinks.
  7. Ibagay ang pag-inom sa laki ng iyong katawan – Kapag payat ka lang, mas madali kang malalasing. Huwag sumabay ng inuman sa mga matataba.
At kung nakainom ka na at may hangover, heto naman ang solusyon dito.
  1. Uminom ng maraming tubig – Ang alak ay nagpapatuyo ng ating katawan dahil sa sobrang pagpapaihi. Sa bawat isang baso ng alak, kailangan sabayan mo ito ng isang basong tubig. Pag-gising mo sa umaga, uminom din ng 1-2 basong tubig para makabawi.
  2. Uminon ng fruit juice o honey – Ang mga fruit juice ay may kakaibang asukal na kung tawagin ay fructose. Ang fructose ay tumutulong sa ating katawan para matanggal ang sobrang alkohol na ininom.
  3. Uminom ng paracetamol – Para matanggal ang sakit ng ulo, uminom ng isang paracetamol. Safe ito at hindi mahapdi sa sikmura.
  4. Uminom ng mainit na sabaw – Makatutulong ang sabaw sa pagpalit ng asin at tubig na nawala sa katawan.
  5. Subukan ang kape – Ang kape ay nagpapakipot ng mga ugat. Ang ibig sabihin ay malulunasan nito ang pamamaga ng ugat na nagdudulot ng sakit ng ulo. Pero limitahan sa isang basong kape lang.
  6. Itulog mo na lang – Oras lang talaga ang solusyon sa hangover. Sa loob ng 24 oras, tanggal na ang hangover mo. Sana ay huwag ka na rin uminom ulit.