The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
 #230  by Whooshoo!
 
Ang soy products tulad ng taho at tokwa ay may sangkap na genistein, na maaaring makatulong sa pag-iwas sa breast cancer. Sa isang pagsusuri sa Asia, ang mga babaing malakas kumain ng taho at tokwa ay mas hindi tinatamaan ng breast cancer.

Kumpara sa KARNENG Baboy, Baka, Lechon, Bacon at TABA, mas healthy ang TOKWA at Tofu dahil vegetable PROTEIN ito. May tulong pa sa puso at pag-iwas sa kanser. Ang nagdudulot ng KANSER ay ang TABA ng karne, laman loob at processed meat.

Imbes na uminom ng gatas, puwede kang mag-soya milk. Okay din ito sa may lactose intolerance (nagtatae sa pag-inom ng gatas).

Ang tokwa at sabaw sa miso ay mabisa din. Gayahin niyo ako na mahilig kumain sa vegetarian food (tulad ng Bodhi fastfood). Ang vegemeat ay gawa din sa masustansyang tokwa.

Note: Pero kung may breast cancer na, magpatingin agad sa doktor. Itanong kung puwede pa ito kainin o hindi.
Credit to:

Doc Willie Ong