The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
 #171  by Mika J.c
 
Para mabilis maka-recover sa pananakit ng likod, dapat ay ma-maintain ang kurba ng iyong spine o likod.

Sundin ang mga ito ng 2 linggo pagkatapos mong makaramdam ng sobrang pananakit ng iyong likod.
  1. Pag-upo - Kung uupo kinakailangan na ito ay tatagal lamang ng 15 minuto. Pagkatapos nito’y kinakailangan mo munang tumayo at maglakad-lakad.
  2. Umupo ng may suporta sa likod - Kinakailangan na may nakasuportang unan sa iyong likuran o lumbar roll.
  3. Panatilihin ang iyong balakang at tuhod ay nasa tamang anggulo - Ang iyong hita ay kailangan nakatuwid at ang paa ay nakalapat sa sahig. Kung mababa ka, gumamit ng foot rest o stool kung kinakailangan.
  4. Umupo ng diretso. Itindig ng diretso ang kurbang bahagi ng ating likuran.
  5. Umupo sa upuan na may sandalan at may patungan ng mga braso. Ang pag-upo sa malambot na upuan o couch o upuan na walang sandalan ay maaaring makapag-pakurba magpakuba sa iyong likod.
  6. Sa opisina i-adjust ang iyong upuan palapit sa iyong mga gawain. Ipahinga ang siko at braso sa iyong upuan o mesa at panatilihing relax ang balikat
  7. Kung uupo sa upuan na may gulong wag paikutin ang iyong balakang habang nakaupo sa halip ibaling ang iyong buong katawan.
  8. Kung tatayo mula sa pag-kakaupo bahagyang iusod muna ang puwitan paharap sa malapit sa dulo ng upuan bago tumayo.
  9. Sa pagtayo ituwid ang mga binti at hita. Agad na iunat ang iyong likod sa pamamagitan ng paggawa ng ilang segundo na backbends.
Credit to:

Doc Willie Ong