The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
 #227  by oHmambah
 
Kung gusto ninyong makaiwas sa diabetes, heto ang listahan ng mga puwede niyong kainin.

1. Carbohydrates: Ang carbohydrates tulad ng kanin, tinapay at spaghetti ay nagbibigay ng lakas sa atin. Ngunit pinapataas nito ang ating blood sugar. May mga carbohydrates na mas mainam para sa may diabetes. Ito ay ang brown rice, wheat bread at spaghetti. Limitahan lang ang pagkain ng fried rice o sinangag, white bread at French fries.

2. Protina at karne: Piliin ang karneng hindi gaanong mataba. Tanggalin ang mga nakikitang taba sa baboy at baka bago ito lutuin. Mas piliin ang mga protinang galing sa gulay tulad ng tofu, tokwa at beans. Ang manok at turkey ay mas healthy kumpara sa baboy at baka.

3. Gulay at prutas: Karamihan ng gulay at prutas ay mataas sa fiber, bitamina at minerals. Sa bawat araw, kumain tayo ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas. Pwedeng mas marami ang kainin ng mga lalake at matatangkad na tao, at mas konti naman ang kainin ng mga babae at bata. Sa mga may diabetes, bawasan ang pagkain ng kanin at palitan ito ng mas maraming gulay. Sa paghahanda ng ensalada, mag-ingat din sa paggamit ng mayonnaise at Thousand Island sauce na nakatataba. Suka na lang ang sawsawan.

Ang sakit na diabetes ay puwedeng magkaroon ng seryosong komplikasyon. Karamihan ng may diabetes ay kulang sa kaalaman kung anong pagkain ang puwedeng kainin at kung ano naman ang dapat iwasan.

Mas piliin ang mga pagkaing nakalista sa kaliwa at bawasan ang pagkain ng mga nakalista sa kanan.

Piliin Ang Mga Ito: Limitahan o Iwasan Ang Mga Ito:
Brown rice White rice, sinangag at fried rice
Wheat bread White bread
Baked potato French fries
Spaghetti Mami, miki
Nilaga o inihaw na karne Pritong baboy at baka
Sa karne, piliin ang tenderloin at sirloin Huwag piliin ang ribs at T-bone
Tofu, tokwa, beans Bacon, ham, hotdog, salami
Manok o turkey Balat ng manok
Inihaw, steamed o sinigang na isda Pritong isda
Sari-saring gulay Gulay na nilagyan ng butter
Prutas tulad ng mansanas, peras at saging. Delatang prutas at matatamis na fruit juices
Credit to:

Doc Willie Ong