The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
 #169  by oHmambah
 
Nakakainis ang may baradong ilong. Hirap kang huminga at matulog. Tumutulo ang iyong sipon at nagbabago ang iyong boses. Ang kadahilanan ng baradong ilong ay ang pamamaga ng ugat sa iyong sinuses (sa loob ng ilong). Naiirita ang mga ugat dahil sa mikrobyo o allergy.

Heto ang payo ko para malunasan ito:
  1. Uminom ng 8-12 basong tubig sa isang araw. Puwede din uminom ng sopas, tsa-a at juices.
  2. Maligo sa shower gamit ang mainit na tubig. Isara ang pinto sa banyo para makulob ang usok na manggagaling sa mainit na shower (parang sauna). Ang steam o usok ay may water vapor na nagpapalabnaw ng plema.
  3. Subukan ang Steam Inhalation. Magpakulo ng 2 litrong tubig (8 baso) sa isang kaldero. Kapag kumulo na, palamigin ng 10 minuto at isalin ang tubig sa isang plastic na palanggana. Ilapit ang iyong mukha ng 6 inches sa mainit na tubig. Itaklob ang tuwalya sa ulo habang nakatapat sa palanggana. Ito’y para makulob ang init at malanghap mo ang usok na nanggagaling sa tubig. Puwede kang mag-steam inhalation ng 3 o 4 beses sa maghapon.
  4. May tulong ang Saline Spray na nabibili sa botika (mga P100 ang halaga). Isa itong botelya na ipinapasok sa ilong at ini-spray. Sa ganitong paraan, mapapalabnaw at matutunaw ang plema sa ilong.
  5. Gumamit ng warm compress. Ilubog ang tuwalya sa mainit na tubig at pigain ito. Ilagay ang mainit na tuwalya sa bandang ilong at noo. Ang warm compress ay nakababawas ng kirot at pamamaga ng sinus.
  6. May mga nabibiling gamot para sa sipon (decongestants) pero hindi ito puwede inumin ng pang-matagalan. Minsan, nakaka-apekto din itong mga gamot sa iyong blood pressure.
  7. Kung may allergy, umiwas sa mga bagay na nakaka-allergy sa iyo. Linisin ang kuwarto at linisin ang mga gamit, kama, sofa at rug. Labhan maigi ang unan, kumot, tuwalya at baro. Ang mga balahibo mula sa alagang hayop at stuffed toys ay nakaka-allergy din. Kung matindi ang allergy, puwede din uminom ng gamot sa allergy ng paminsan-minsan.
    Good luck po.
Credit to:

Doctor Willie Ong