The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
Topic Contributors
  • User avatar
  • User avatar
 #42  by Datu Puti::Patis
 
Totoo po ang multo para sa mga nakakita na nito. Tulad ko po na nung ako ay nasa grade five.

Nuon po kasi ay nasa labas ng bahay pa ang poso, e kailangan ko mag-igib para sa makapagligpit ng pinagkainan. Yung harap naman po ng poso na bakanteng lote na alam ng mga taga barangay na may multo daw po dun at yung asawa raw ng dating nakatira dun ay sa bahay na yun namatay, sira sira na kasi yung bahay saka maraming mga puno at masukal na dun, parang basurahan na din.

Mga alas otso po yata ng gabi nun katatapos ng hapunan, e ako po yung taga igib ng tubig, nung una ko po salok okay naman normal lang malakas pa ang loob ko at matagal na akong nag-iigib dun halos gabi gabi lang.

Nung pangalawa ko punta habang nagbobomba ng poso at medyo napatingin po ako sa bakanteng lote dun po sa tabi ng bahay e may mga puno ng malunggay at may nakita po akong parang kulay usok na puti.

Nung una nakasteady lang po kaya naisip ko baka damit lang na nakasampay dun pero kung damit naman bakit ganun na parang kitang kita sa gabi. Nagbobomba lang po habang nakatingin dun sa bagay na yun tapos maya maya pa parang nagkaroon ng shape yung bagay na yun, naging parang isang saya o palda yung pang-ibaba at may damit tapos maya maya pa po ay nakita ko na nakalutang na sa lupa at gumalaw po dun sa kinalalagyan nya. Nakalutang sa hangin sa at saka umikot sa mga puno at biglang nawala.

Sa sobrang takot ko dun iniwan ko na yung timba sa may poso at saka pumasok na ako sa loob at sumiksik at sa tito ko pero hindi ko sinabi sa kanila na may nakita akong multo. :ghost:
 #43  by Gulay
 
Wala pa naman po akong nakikitang multo pero alam ko may multo talaga, wala nga lang ata nagpapakita sakin at alam nilang hindi ako matatakot kaya sayang din time nila. hahaha.. Sa mga province marami at uso pa ang multo pero dito po sa manila wala ata e at maingay.