The Philippine Discussions Community Website 

  • Ano ang G-spot sa Sex?

Announcement: Stay H-O-M-E and Stay S-A-F-E
Topic Reactions
See all Contributors
  • User avatar
  • User avatar
 #437  by BoyKulot
 3 weeks ago (Wed Mar 11, 2020)
Ano ang G-spot na nagpapaligaya daw sa babae?
Ang G-spot ay isang espesyal at sensitibong parte sa puwerta ng babae. Kapag ito ay ginagalaw, siguradong maliligayahan ang babae at mabilis sila mag-o-orgasm. Ang G-spot ay matatagpuan sa likod ng “clitoris.” Ang clitoris ay nasa bandang taas ng puwerta at nasa ibabaw pa ng urethra kung saan umiihi ang babae. Sobrang sensitibo ang lugar na ito. Ang nakapagdiskubre sa G-spot ay si Dr. Grafenberg, isang Aleman na doktor.

Nahihirapan mag-orgasm. Ano ang dapat gawin?
Hindi alam na marami, pero ang utak natin ang pinakamabisang sexual organ. Oo, ang pag-iisip natin ang pinaka-epektibong pampagana sa sex. Kailangan ay ma-stimulate ang ating 5 senses, mula sa paningin (seeing), pandinig (hearing), pang-amoy (smelling), pakiramdam (feeling), at panlasa (tasting).

Kailangan ay maganda ang ating makikita para ganahan sa sex. Kapag mataba at hindi naliligo si Misis, paano ka gaganahan? Kailangan din makarinig ng nakaka-relax na musika. Kailangan maka-amoy ng mabangong perfume at hindi iyung amoy pawis. Kapag maganda ang paligid, siguradong gaganahan ka sa sex. Ngunit kung nanggugulo ang mga bata at naririnig mo ang boses ng iyong biyenan, siguradong hindi ka gaganahan sa sex.

Puwede ba uminom ng gamot para lumakas sa sex? Puwede bang uminom ng Andros?
Oo, may mga gamot na makatutulong sa sex. Ang mga taong may impotence (iyung hindi tumitigas ang ari) ay puwedeng uminom ng Andros tablets. Kahit wala kang sakit, puwede ka rin uminom ng Andros pero hindi talaga ito nirerekomenda ng mga doktor.
Kapag ika’y may sakit sa puso, dapat hinay-hinay lang sa pag-inom ng mga gamot. Dahil baka hindi makayanan ng iyong puso ang matagalang pagtatalik, lalu na kung hindi si Misis ang iyong partner.

May pagsusuri na nagsasabi na kapag nagtatalik ka sa isang babaeng hindi mo kakilala, masyado ma-i-stress ang inyong puso. Kapag ika’y may edad na, puwede kang atakihin sa puso habang nasa kama. Magpa-check up muna sa doktor bago gumawa nito.