The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
:heart_decoration:
Topic Contributors
  • User avatar
 #29  by Benito
 
Bago po nag-OFW ang nanay ko sa Kuwait, may kwento muna bago sya napa-abroad.

Tatlo po kaming magkakapatid ang pangalawa ako, dalawang lalaki at bunso ay babae. Ang ama ko naman ay karpentero lang, sa construction o gumagawa ng mga kalsada at dam, ang nanay ko naman ay sa bahay lang.

Bale grade 1 ako nun nung maghiwalay ang mga magulang, tumira kami sa aming mga lolo’t lola sa mother side. Sila magpa-aral samin at tumira din kami sa mga kapatid ng aking nanay tapos sila din nagpa-aral samin hanggang grade 6 pero hiwa hiwalay na kaming magkakapatid nun. Sobrang hirap ng buhay nuon, sa sobrang hirap talagang nilagang kamoteng kahoy at saging ang kanin at ulam na din, as in wala. :cry:

Then nag high-school na, magkakahiwalay pa din kami magkakapatid.

Second year high school ako nun nagsimula na magtrabaho sa Kuwait ang aking nanay. First year college naman na ang kuya ko at grade 6 bunso namin.

Medyo maswerte naman sya at mabait ang naging amo, hindi nananakit, pero ang trabaho daw talaga ay parang kalabaw, gigising ng madaling araw hanggang gabi lalo na raw pag may mga celebration yung mga arabo. Isa talagang matinding sakripisyo.

Dahil naman sa kanya nakapagtapos kami magkakapatid ng college. Ngayon nandito nalang sya sa Pilipinas kasama ng panganay namin.
Talagang masasabi ko na kung hindi din nag-abroad ang nanay ko e malamang na hindi ako nakakuha ng isang diploma ng college. Kasi syempre tatlo kami tapos kung sa pagkakarpentero lang ng aking tatay kukuha ng panggastos talagang mahihirapan at malamang e maghihinto para may makapagpatuloy sa pag-aaral.

In total talagang sakripisyo ang mga magulang para sa mga anak. Hindi ka pa po alam kung hanggang saan at kailan magsakripisyo ang isang magulang para sa anak, siguro pag nagka-anak saka ko palang malalaman yun.
PhilDiscuss liked this