The Philippine Discussions Community Website 

COVID-19: Stay Home!


Get the latest information from the PHD about COVID-19. DOH: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV and WHO Tracker: https://who.sprinklr.com/
Topic Reactions
:slight_smile:
Topic Contributors
  • User avatar
  • User avatar
  • User avatar
  • User avatar
  • User avatar
  • User avatar
  • User avatar
 #486  by Kark_784
 
Yung tipong nanunuod ka sa ABS-CBN habang nagbabasa ng mga comments sa Facebook, lahat po ng nabasa ko na ata ay pabor sa pagsasarado ng ABS-CBN, kung sa bagay pabor din naman ako. Matatapos na mga ang mga hardcore drama nila na puro kalaswaan ang laman, ang ShowTime na nung una maganda pero ngayon napapansin ko puro kabaklaan lang ang mga pinaggagawa, sa balita na BIAS.

Salamat nalang po.
 #488  by trilex
 
hay salamat naman.. dami ko nga po nabasa comments sa social media, 100 pabor, 4 ang hindi.

May 11K daw sila na mawawalan ng trabaho. Iniisip pala nila yun pero yung milyon milyong pilipino niloloko nila. :-(

Wag na kayong babalik sa ere, sa totoo lang po may isang taon na din akong nanunuod ng TV nila, talagang puro BIAS ang laman eh. Ah! goodbye na din kay Karen Davila! :mad:

Walang rally, wala po kayong makukuhang simpatya sa mga tao.
 #506  by Gen2A
 
Mas gusto ko balita nila kesa sa GMA7. mga batikan na kasi mga Host nila. Maliban sa TV Patrol wala naman na akong gustong mapanuod sa ABS-CBN, tamang nuod lang balita habang kumakain para may update. Sana saka nalang nagclose after ng COVID-19. Ito lang po kasi ang malinaw na channel sa lugar namin, libre pa antenna lang solve na.
 #516  by Mellx1
 
It’s not for me to decide kung pwede pa ba sila magpatuloy, pero di ba easy kung expired na driver’s license mo huli ka sa LTO!

Saka kung maghearing man po sila sa Kongreso hindi din sure kung mag-aaprove yung franchise nila. Syempre marami proseso yan, aabutin din siguro ng buwan if ever.
 #522  by Kong - Kong
 
Ito naman po si Speaker Allan Cayetano, bibigyan daw ng provisionary franchise ang ABS-CBN, at kailangan daw ang ABS-CBN makapaghatid ng balita at kailangan ng mga tao lalo na ngayon at mga kalamidad at sakit marami ang hindi makakabalita sa mga nangyayari.

Aba, sinasabi nyo po ba sila ang may kakayanan magbalita sa buong Pilipinas. Anung meron dyan sa ABS-CBN? Hindi pa ba sapat yung 6 years para ayusin ng ABS-CBN ang mga problema tapos ngayon gusto nyo madaliin.
 #523  by Ham pypy
 
Partida!: Hindi pinalabas ng ABS-CBN and ads ni Pangulong Duterte pero ang laki pa rin ng agwat at biglaan lang yan.

11K daw ang empleyado ng company nila at 11k din ang mawawalan ng trabaho? Kung talagang concern sila dapat nuon pa lang inayos na nila ang gusot, plantsado na dapat. Tulad ngayon yung 11k ang kanilang panangga? haha Wala raw puso ang gobyerno at 11k na tao ang mawawalan ng trabaho.
 #543  by Rex The X
 
Kanina sa hearing, next week daw maglalabas na sila ng listahan ng mga tatanggalan nila ng trabaho dun sa 11k na trabahador nila at nalulugi na daw sila. Wala daw nilabag na batas. Ewan ko nga ba at bakit nagkaemergency hearing pa sila, anu po ba talaga? Dahil nakikinig ang 80million na pilipino sa TV at Radyo nila?

Ngayon na lumalabas na ang mga paglabag ng ABSCBN sa batas, halatang halata nuon pa ang pagiging bias nila sa balita at maging sa politika.

Kung sa ABS-CBN lang po ang reference natin ng balita matagal na tayong naloko.