The Philippine Discussions Community Website 

  • DU30 Terminate the VFA?

Announcement: We are still developing new features, but the website are rock solid and ready to GO.
Topic Reactions
:slight_smile:
See all Contributors
  • User avatar
  • User avatar
  • User avatar
  • User avatar
 #212  by Lapu Lapu
 2 months ago (Fri Jan 24, 2020)
Isang buwan ang palugit ng Pangulo sa US o iteterminate ng VFA (Visiting Forces Agreement) sometimes PH–US Visiting Forces Agreement. May kaugnayan po ito sa Mutual Defense Treaty noong August 30, 1951.

Nagsimula lang naman ito maging issue nung ikansel ng US embassy ang Visa ni Sen. Bato dahil hindi raw papayag ang US na makapasok sa bansa nila ang mga taong nagpakulong kay Layla (Leila?) de Lima?

Noong mga panahon na yun kailangan natin ang US at kailangan din US ang Pilipinas para may presence ang kanilang military dito sa pacific.

Pero ngayon kahit na siguro, halos wala rin naman ng tulong ang US Military sa atin, pag nagkagyera hindi rin naman obligasyon ng US na tulungan tayo, magbebenta lang siguro sa atin ng armas ang pwede nilang magawa tayo pa din ang makikipaglaban. Malabo pa sa baha na tulungan tayo ng US.

Isa pa yung mga personnel ng US pag nandito sa Pilipinas sila pa ang pinagsisimulan ng away isa pa dyan yung rape!. Mas mabuti pa ngang wala na sila dito, kaya naman natin pangalagaan itong sariling bansa natin.
 #333  by PhilDiscuss
 1 month ago (Thu Feb 13, 2020)
Mr. Trump:

“I really don’t mind, if they would like to do that, that’s fine,” Trump said Wednesday during a meeting with Ecuador President Lenin Moreno at the White House. “We’ll save a lot of money. You know my views are different from other people. I view it as, ‘Thank you very much, we’ll save a lot of money.’”

Masaya na ako dito, kesa naman ang kapalit ng pera nila ay sila ang masunod sa bansa natin. Dahil hindi na sila magbibigay ng pera, mahihirapan tayo mga kababayan. Pero alam ko kaya natin lahat ng pagsubok, sa huli tayo tayo din mga Pilipino ang magmamalasakit sa isa’t isa, hindi ang ibang lahi.

Trump added that he had a good relationship with Philippines President Rodrigo Duterte, and said the U.S. had helped the Southeast Asian nation combat Islamic State terrorists over the past decade.

The president’s remarks represented a sharp departure from the position of the Pentagon, with Esper telling reporters en route to a NATO conference in Brussels on Tuesday that “it’s a move in the wrong direction, again for the long-standing relationship we’ve had with the Philippines, for their strategic location, for the ties between our peoples and our countries.”

Hindi yung lagi nalang tayong naka-asa sa tulong ng ibang bansa.

Trump continued to claim that US troops “came in” and “literally, single-handedly” saved the Philippines from the attacks of terrorists in Marawi City almost three years ago.

Totoo naman talagang maraming naitulong ang US sa atin, sa pera palang talagang milyon milyon na. Kaya tayo minsan o lagi ang isip natin laging may “amerika”. Masyado tayong bilib sa America. Pero sa sarili natin, wala. Ni wala tayong pagmamahal sa sariling bansa natin.
Muning liked this
 #343  by Muning
 1 month ago (Fri Feb 14, 2020)
Mr. Trump is bluffing! :-D It’s make him happy. Ganyan ang gawain nyan.

Anyways. Kung totoo man, adi maganda. Ngayon natin mapapatunayan na kaya natin tumayo. Hindi yung masyado tayong aasa sa ibang bansa. :angelo:
 #351  by Totot
 1 month ago (Mon Feb 17, 2020)
Subukan naman natin tumayo ng tayo lang mga magkakadugo. O mas gusto natin maging kolonya pa rin ng U.S. Wala naman ng gyera ngayon, tapos na.

Tama lang yan. Kesa naman mga US marine ang manghahalay sa mga kababayan natin.