PhilDiscuss™ - The Philippine Discussions Community Website® 

  • San Luis, Aurora - Dalaga Nasawi matapos Tumalon sa Sinasakyang Tricycle

  • [Population (2015): 11,218,177] Provinces: 7, Cities: 14, Municipalities: 116, Barangays: 3,102
Announcement: We are still developing new features, but the website is rock solid and ready to dive. Progress: 99%
[Population (2015): 11,218,177] Provinces: 7, Cities: 14, Municipalities: 116, Barangays: 3,102
 #11283  by Pinoy Ako
 11 months ago (Tue Jun 12, 2018)
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si April De Asis, residente ng Purok Bagong Silang, Barangay Ditumabo, San Luis Aurora samantalang ang driver ng kanilang sinasakyang tricycle ay si Ronie Rebora, 21, binata at residente ng Purok Likas Yaman ng nabanggit na barangay.

Ayon sa mga tauhan ng San Luis Police Station, Bandang alas kwatro ng hapon nitong sabado isang grupo ng mga kabataan ang sakay ng isang tricycle ang tutungo sana sa Barangay Diteki upang mag-overnight subalit nasa Sitio Diabuyo pa lamang sila nang diumano’y magsalita ang biktima na tatalon ito.

Narinig naman daw ito ng driver at ng dalawa pang nitong sakay ngunit hindi nila akalain na tototohanin ito ng biktima na nooy nakaupo sa angkasan ng nabanggit na tricycle.

Ilang sandali pa ay tumalon nga ang biktima na kung saan tumama ang ulo nito sa matigas na sementadong kalsada.

Agad naisugod ang biktima sa Premier General Hospital sa Baler para gamutin at inilipat sa pagamutan sa Cabanatuan City subalit sa kasawiang palad ay binawian na ito ng buhay.