PhilDiscuss™ - The Philippine Discussions Community Website® 

  • Matinding selos, Paano Masosolusyunan?

  • A forum for all heart problem, post your problem and get the advice of other people also here you can share your romantic story. Also tips are here.

Announcement: We are still developing new features, but the website is rock solid and ready to dive. Progress: 99%

A forum for all heart problem, post your problem and get the advice of other people also here you can share your romantic story. Also tips are here.


 #7946  by Adam
 1 year ago (Sun Sep 03, 2017)
Paano nga ba masosolusyunan ang pagseselos?

Kung mayroong isang tao o isang sitwasyon na maaaring magbigay ng 'threat' sa isang relasyon, ito ay puwedeng pagsimulan ng selos, ayon kay Pastor Herlad Cruz.

Halimbawa, kung nagiging sobrang abala na ng iyong asawa sa kaniyang trabaho o mayroong isang tao na nagiging malapit sa kaniya, maaari aniya itong pagsimulan ng matinding selos.

Iginiit ni Cruz na normal lang naman ang selos sa isang relasyon, kahit na ito pa'y relasyon ng anak sa kaniyang magulang o isang romantikong relasyon katulad ng mga magkasintahan o mga mag-asawa.

"'Yung small dose of pagseselos, medyo healthy naman 'yon, halimbawa, ikaw, halos wala ka nang time sa family. Nagko-complain 'yung asawa mo, merong nagpapa-cute sa 'yo, and you begin to question 'attractive ba ako sa aking asawa?'," dagdag ni Cruz.
Saka raw kasi nagiging mapanganib ang pagseselos kung ito'y nagiging madalas na at pinagsisimulan ng matinding away.

Kung magkaganoon, aniya, dapat daw na agarang solusyonan ito ng magkarelasyon.
Isang mainam na solusyon aniya ang pag-amin na maaaring mayroong problema sa sarili.

Ani Cruz, tanungin ang sarili: 'Ako ba ay nagseselos dahil may isyu o ako ay nagseselos dahil may isyu ako sa aking sarili?'

May mga pagkakataon daw kasi na wala naman talagang ginagawang mali o masama ang isang tao, sadyang nagiging 'possessive' lang daw talaga minsan ang isang karelasyon.

Payo rin ni Cruz, huwag ipilit na baguhin ang ugali ng karelasyon, dahil aniya, mas makatutulong daw na baguhin muna ang sarili bago ang ibang tao.

"The moment you're able to accept na may isyu ka sa buhay, ito ang simula ng healing and you will begin to look for help and support sa mga tao," paliwanag ni Cruz.

Ayon sa kaniyang obserbasyon, sa mga pagkakataong hindi ipinipilit ang pagbabago sa isang karelasyon, aniya, nagkakaroon daw ito ng malaking epekto sa kabuuan at unti-unting naaayos ang mga problema.

Napakahalaga rin aniya na maging 'secure' ang isa't isa sa isang relasyon upang maiwasan ang mga matinding pagseselos. Sa punto raw na matutunan ng dalawang magkasintahan o mag-asawa na magtiwala, unti-unti na raw na mawawala o mababawasan ang pagseselos.

Sa huli, mahalaga rin aniya na maging bukas sa totoong nararamdaman ang mga nasa relasyon upang maiayos ang gusot.
Topic Reactions